Entry: Updates... Updates... Dec 23, 2004



Hehehe... Eto na at maga-update na ako sa mga pangyayari sa kasalukuyan kong buhay... Matagal kasi akong nawalang ng Internet card at dahil walang pasok, wala akong pera. Isa lang ang ibig sabihin pag wala kang internet card 'di ba? Walang internet, walang yahoo, walang friendster at higit sa lahat, walang blogging. Anyway, namatay na ang tinaguriang "Da King". Haay, no comment... Noong nakaraang Sabado, natapos na ang sessions namin sa MTAP... 3 lang ang ibig sabihin nun, pinaka-una, 'di ko na makakapiling tuwing Sabado ang teacher ko (4th year lang xa, di ako pumapatol sa matatanda), pangalawa, wala nang Saturday Robinson's, xempre may possitive din. Ang pangatlo, makatutulog na ako nang mahimbing tuwing Sabado. Lakas! Hmmm.... Ano pa ba? Nga pala, about the teacher, nakuha ko nga rin pala ung CP # nia. But I don't text him that much. 2 times pa nga lang ata... Hehe... La lang... Kasalukuyan nga pala akong nagsa-siign in sa yahoo mail ko... May problema, ayaw mag-sign in! Anong problema! Dahil ba iyon sa tagal ng panahon na hindi ko xa binubuksan o sa katangahan ng daliri ko sa pagpindot ng password? Eto na, nag-sign in na, tanga lang pala talaga ang mga daliri ko sa pagpindot ng password.

   1 comments

guile
February 14, 2005   03:23 PM PST
 
dang.. i can never get enough of audrey tautou.. i hear she stars next in da vinci code..

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments