Ulamis nang pisikal ngunit 'di sa isipan.
Masakit pala talaga kapag iniwan ka ng mahal mo. Hindi ko nga maintindihan kung ano ‘tong nararamdaman ko. Ni sa huling sandali ng pananatili n’ya sa Pilipinas e ‘di ko man lamang s’ya nakita ng personal. Akala mo lablayp noh? Hindi.
Kahapon kasi, umalis na papuntang Canada si Marj. Ang sakit talaga. Ang lungkot. Alam ko may panahon pa para magkita kami, pero ang lungkot lang talaga. Naiiyak na nga ako kahapon e. Tapos peste pa yung guard dun, pinalalayas kami. Although, oo, job nila ‘yun kaso hindi naman kailangan ulit-ulitin e. ‘Yung mukha pa parang ano.
Wala na akong ka-telebabad sa phone. Ala na talaga. Ala na rin yung fanfict book ni Trixia (Nyahaha! Trixia!) Ala na ang mahabang buhok ni Marj na bubungad sa’yo pag nagkita kayo. Ala na. Ala na. Hay. Andrama.
Posted at 07:09 am by sexyleyshipink
WaNnA FlIrT?